Habang tinitignan niya ang malayong binata na mayroong bayolet na mga damit, nanlaki ang mga mata ni Zi Shang, at nagsimulang manginig ang kanyang katawan.
Sa sandaling ito, tila nakita niya ang panghabang-buhay niyang kaaway!
Sa totoo lang, sa puso ni Zi Shang, noon pa niya tinrato bilang panghabang-buhay na kalaban ang binatang ito, at ito ay isang hidwaan na hindi na maaayos.
Hinding-hindi niya malilimutan ang kahihiyang ibinigay ng binatang ito sa kanya.
Hangga't siya'y nababahala, ang galit na nararamdaman niya sa kanyang puso at mawawala lamang sa sandaling mamamatay na ang binatang ito!
"Hmm?" Napansin ng matanda, ang kanyang master, ang pagbabago sa pagkilos ni Zi Shang at siya'y lumapit dito. "Zi Shang, ano ang problema?"
Huminga ng malalim si Zi Shang, ang sumiklab niyang damdamin ay hindi agad napawi, kaya ay hindi niya agad nasagot ang matanda.