Sina Duan Ling Tian, Feng Wu Dao, Feng Tian Wu, at Elder Kong ay umangat sa kalangitan at umalis sa lugar.
Sa sandaling ito, nakakita si Duan Ling Tian ng apat na taong magkakasama sa langit sa harap, at ang tao sa harapan ay isang gwapong 'di gaano katandang lalaki na may puting kasuotan.
Ang 'di gaano katandang lalaki ay mayroong kapita-pitagang ekspresyon sa pagitan ng kanyang mga kilay at halatang isa na nasa isang mataas na posisyon sa loob ng mahabang oras.
Halos kasabay nito, napansin ni Duan Ling Tian ang 'di gaano katandang lalaki na nakatingin.
Pagkatapos nito, sinama ng 'di gaano katandang lalaki ang mga tao sa likuran niya upang tumungo papalapit kay Duan Ling Tian.
Siyempre, alam ni Duan Ling Tian ang sarili niyang kakayahan at alam na ang 'di gaano katandang lalaki ay hindi papalapit dahil sa kaniya.