"Uncle Feng, may limitasyon ba ang pagtaya dito sa Cage Battle Arena?" Tanong ni Duan Ling Tian.
"Wala." Umiling si Feng Wu Dao at nagtanong. "Kaya ka ba nagtatanong dahil gusto mo ring tumaya? Ngunit ang pagtaya ng ginto at pilak ay ginagawa sa dalawang panooran sa baba."
"Hindi! Hindi ako magtataya ng ginto at pilak." Umiling si Duan Ling Tian at nag-isip saglit bago itinaas ang kanyang kamay at isang bulto ng mababang gradong Origin Stones ang lumitaw sa kanyang kamay.
Ilang libong mababang gradong Origin Stones ang naitabi ni Duan Ling Tian gamit ang kanyang Origin Energy.
Hindi sa gusto niyang gawin ito, ngumit napakarami talaga nitong Origin Stones at kung hindi niya gagamitin ang kanyang Origin Energy para suportahan ito, hindi niya kakayaning hawakan lahat ito kahit na iunat niya ang parehong kamay.
Sa isang saglit, nabigla sina Feng Wu Dao, Elder Kong at Feng Tian Wu pagkakita sa Origin Stones na nasa kamay ni Duan Ling Tian.