"Brother Ling Tian!" Kapapasok pa lamang ni Duan Ling Tian sa courtyard noong siya'y nakarinig ng isang nasasabik na boses mula sa loob.
Batay sa boses na ito, mukhang matagal na hinintay ng maya-ari si Duan Ling Tian.
Pamilyar ang boses na ito kay Duan Ling Tian.
"Big Brother Zhang." Mayroong ngiti sa mukha ni Duan Ling Tian noong nakita niya si Zhang Shou Yong na mabilis na nagpakita sa kanya.
"Brother Ling Tian, pumasok ka." Agad na inimbita ni Zhang Shou Yong papasok si Duan Ling Tian sa courtyard, at sa parehas na sandali, inutusan niy ang isang malapit na babaeng lingkod. "Walang maaaring pumasok ng walang permiso mula sa akin!"
"Opo." Kahit na hindi alam ng babaeng lingkod ang dahilan ng Young Master sa kanyang pagsigaw ngayon, magalang pa rin siyang sumunod.
Sa susunod na sandali, si Duan Ling Tian ay dinala ni Zhang Shou Yong sa isang malawak na kwarto.