Sa sandaling ito, nararamdaman ni Duan Ling Tian na naglalaman ng kawalang pag-asa ang tono ni Han Xue Nai.
Ngunit seryoso pa rin siyang tumango at sumagot sa sinabi ni Han Xue Nai. "Xue Nai, huwag kang mag-alala, kapag nagkita tayong muli, makikita mo ang isang bagong ako."
"Mmm." Tumango si Xue Nai, ang kaniyang malungkot na ekspresyon ay tuluyang naglaho at bumalik sa isang maliwanag na ngiit.
Ngunit mabilis siyang bumuntong-hiningang muli at tumingin kay Duan Ling Tian habang nag-aalangang magsalita. "Kuya Ling Tian, sina Little Black at Little White."
Samantala, paanong hindi maiintindihan ni Duan Ling Tian ang ibig-sabihin dito ni Han Xue Nai?
Sinulyapan niya ang dalawang maliliit na pythons na nasa kamay ni Han Xue Nai, bahagya siyang nag-aalangan.