Sa kasalukuyan, nang marinig niya si Duan Ling Tian, ang ekspresyon ni Han Xue Nai ay nagpakita ng isang maliit na ngiit na kayang pagbaligtarin ang lahat ng nabubuhay na nilalang.
"Kuya Ling Tian, ano sa tingin mo?" Tumingin si Han Xue Nai kay Duan Ling Tian na may balak na hayaan si Duan Ling Tian na magdesisyon.
Mula sa simula hanggang sa huli, hindi tiningnan ni Han Xue Nai ang apat na taong pumalibot sa kanialng mga mata.
Marahil sa kaniyang mga mata, ang apat na mga taong ito ay hindi karapat-dapat na tingnan niya sa mata.
"Sa tingin ko ay maaari na'tin silang hayaan na tikman ang sarili nilang mga medisina... Halimbawa, hayaan sila na pumili kung ibababa ang jade sword o maging matigas ang ulo at mamatay!" Nagsalita nang walang bahala si Duan Ling Tian, at nang natapos siyang magsalita, ang kaniyang mga mata ay sumulyap sa apat na taong pinalilibutan sila ni Han Xue Nai.