"Ano bang galit ang mayroon ka sa aking Tang Clan?" Nang matapos siyang magsalita, ang mga mata ng Grand Elder ay hindi na malabo at napalitan ng nakasisindak na kagusutuhang pumatay.
Tumindig siya na para bang pupuksain niya si Duan Ling Tian kung hindi makapagbibigay si Duan Ling Tian ng isang dahilan sa kaniya.
"Anong galit?" Nainis si Duan Ling Tian, at pagkatapos ay napatingin siya sa maliit na kulungan sa mga kamay ng Grand Elder. "Ang inyong Tang Clan ay talagang naglakas-loob na pahirapan si Little Gold nang ganito, ako ay..."
"Iyon si Little Gold?" Hindi pa man tapos magsalita si Duan Ling Tian nang siya ay singitan ng malapit na si Han Xue Nai.
Gustong malaman kanina ni Han Xue Nai kung bakit ang kaniyang Kuya Ling Tian ay biglang mawawalan ng kahinahunan nang ganito.
Ngayon, sa wakas ay naintindihan na niya.
Ang little gold mouse pala na ikinulong ng Tang Clan sa maliit na kulungan ay si Little Gold.