Kasabay ng pag-alis ng dalawang matandang mga lalaki mula sa Bai Clan, sina Duan Ling Tian at Han Xue Nai ay naging sentro ng atensyon sa buong lugar.
Ngunit ang atensyon ng nakapaligid na mga tao ay mabilis na lumipat dahil ang mga miyembro ng Tang Clan ay dumating na.
"Ang Grand Elder ng Tang Clan!"
"Ang Grand Elder ng Tang Clan ay isang buhay na nakayapak na sa ikawalong antas ng Void Initiation Stage! Sa Tang Clan, ang kaniyang lakas ay mas mababa lamang sa Ancestor ng Tang Clan."
"Hindi ko kailanman inakala na ang Gradn Elder ng Tang Clan ay personal na darating upang pangasiwaan ang subastahan sa hapon na ito."
...
Ang nakapaligid na mga nanunuod ay nag-ingat, samantalang ang mga mata ni Duan Ling Tian ay napatingin sa limang tao na lumipad papalapit.