"Mayroon pang tatlong araw bago ang oras ng pagtitipon kasama ang mga may-ari ng iba pang mga jade sword… Kuya Ling Tian, nakipag-usap ka na ba sa oras na ito?" Tumingin si Han Xue Nai kay Duan Ling Tian at nagtanong.
"Hindi." Umiling si Duan Ling Tian.
Sa panahon na ito, abala siyang nagcucultivate, kaya paano siya magkakaroon ng oras na alalahanin ang iba pa?
"Sa tingin ko na ang iba sa kanila ay dumating na sa Imperial City ng Eastern Mulberry Empire ngayon... Ito ay nasa punto na malamang ay nananatili sila sa ilan sa mga inn ng Imperial City." Hula ni Han Xue Nai.
"Marahil... Pagkatapos na'ting bumalik sa silid, maaari na'tin silang kausapin." Tumango si Duan Ling Tian, pagkatapos ay sinabi, "Gabi na, matulog tayo nang maaga."
"Mmm." Tumango si Han Xue Nai, at ang kaniyang mga mata ay puno pa rin ng pananabik nang bumalik siya sa kaniyang silid.
"Ang dalagita na ito ay mas nananabik pa kaysa sa akin." Umiling si Duan Ling Tian at ngumiti.