Hindi lamang mahigpit na binabantayan ang tarangkahan ng Capital ng Darkhan Dynasty, kahit na ang kalangitan sa taas ng Capital ay mayroong maraming bantay na bumubuo ng mga grupo at mabilis na dumaraan.
Ang mga bantay na nasa langit ng Capital ay mabangis na nakatingin sa abot-tanaw sa bawat direksyon, basta't mayroon silang makitang mali, pupuntahan nila ito.
Dahil kayang lumipad sa hangin ng mga bantay na ito, walang dudang mga nilalang sila na nasa Void Prying Stage o mas mataas pa, dahilan upang labis na magulat si Duan Ling Tian.
"Ito ang nakatagong kayamanan at pinagkukunan ng isang Dynasty… Isang grupo ng mga bantay na naglilibot sa kalangitan na lahat ay mga nulalang na nasa Void Prying Stage o mas mataas pa!" Buntong-hininga ni Duan Ling Tian.
Sa sandaling ito, hindi niya mapigilang alalahanin ang kanyang pinagmulang lugar, ang Crimson Sky Kingdom.