Kasabay ng pagpapakita ni Mo Xuan, nalalapit na ang pagtatapos ng Young Genius Competition ng Darkstone Empire.
Napigilan ni Mo Xuan ang lahat dahil sa kanyang cultivation na nasa ikatlong antas ng Void Initiation Stage at ang kanyang third level Lightnight Concept, at dahil dito ay hindi na naglakas loob ang siyam na batang henyo na nasa loob ng siyam na combat ring ang kalabanin siya.
"Dahil ganito ang nangyayari, ang Young Genius Competition ngayon ay tapos na… Ang numero unong batang henyo ng Darkstone Empire ay si Mo Xuan!" Muling tumayo si King Yong, at ang kanyang boses ay para bang kidlat na mabilis na kumalat sa paligid.
"Ang siyam na great combat ring masters ay matatamo ang kwalipikasyon na tumungo sa Darkhan Dynasty at lumahok sa kumpetisyon para sa mga posisyon para sa Martial Competition ng Sampong mga Dynasty… Kayong siyam at Mo Xuan, magtipon-tipon sa Imperial Palace tatlong araw mula ngayon!"