Tumango si Luo Zhan at Chen Shao Shuai nang marinig nila ang pag-aaliw ni Duan Ling Tian, ngunit hindi nila maiwasan ang magkaroon ng mapait na ekspresyon.
Napansin ni Duan Ling Tian ang malungkot na damdamin ni Luo Zhan at Chen Shao Shuai.
Napabuntong-hininga si Duan Ling Tian nang makita niyang hindi gumana ang kanyang pang-aalilw, at siya'y nagpadala ng voice transmission sa mga tainga ni Chen Shao Shuai at ni Luo Zhan. "Hindi niyo kailangang maliitin ang sarili ninyo… Hindi na mahala kung si Su Li, Long Yun, o ako, ito ay dahil kami ay naglilibot at nakatagpo ng maswerteng mga bagay, dahil dito ay naabot namin ang aming kalagayan ngayon."
"Kung hindi namin natagpuan ang mga maswerteng bagay na iyon, panigurado ay hindi kami maaaring ikumpara sa inyong dalawa." Dahan-dahan nagsalita si Duan Ling Tian.
Noong narinig ni Luo Zhan at ni Chen Shao Shuai ang mga sinabi ni Duan Lling Tian, ang kanilang malungkot na mga mata ay lumiwanag.