"Bukod doon… Pavilion Master, ang grade four spirit weapon na ito ay hindi 59% ang dagdag na lakas." Ang matanda ay tumingin sa 'di gaano katandang lalaki, at siya ay para bang mayroong naisip.
"Hindi 59% ang dagdag nito?" Sumimangot ang 'di gaano katandang lalaki, at muli niyang inusisa ang spirit sword sa kanyang kamay. "Maaari kaya na ako'y nagkamalil? At mayroong mapanlinlang na hitsura ang spirit sword na ito?"
"Hindi." Umiling ang matanda at tumawa. "Pavilion Master, hindi lamang 59% ang dagdag ng spirit sword na ito… 60% ang naidudulot nito na dagdag!"
60%!
Narinig ng 'di gaano katandang lalaki ang mga sinabi ng matanda, at ito ay para bang kidlat na nagdulot ng pagkagulat ng 'di gaano katandang lalaki.
Mayroong dagdag na lakas na aabot ng 60%?
Sa susunod na sandali, mayroong seryosong ekspresyon ang matanda habang hawak niya ang ispada at sinubukan ito.