"Hindi?" Sabay na nandilim ang ekspresyon ng Patriarch ng Zhu Clan at maging ang Eldest Young Master.
Matapos nilang malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, wala na silang hiling kundi ang pagpira-pirasuhin ang dalawang tagasilbi ng ZhuClan.
Ngayon, nang marinig nila na kung sinomana ang nagpalaya sa dalawang tagasilbing iyon, walang hanggang apoy ng galit ang sumibol sa kanilang mga puso!
"Bakit niyo sila pinakawalan?" Malalim ang boses ng Eldest Young Master ng Zhu Clan nang nakatingin itong nagtanong kay Duan Ling Tian.
Walang tono ng pagtatanong ang kanyang salita.
Hindi man nagsalita ang Patriarch ng Zhu Clan, bahagyang nanlamig ang tingin niya kay Duan Ling Tian.
Sa sandaling ito, ang pares na mag-ama ay tila ba tuluyang nalimutan na kung hindi si Duan Ling Tian ang nag abot ng kamay, ang Zhu Clan's Young Miss at Zhu Qing ay naging isang kaluluwa sa ilalim ng isang sandata sa dalawang tagapaglingkod ng Zhu Clan.