Ang little gold mouse ay nagawang mapatay ang isang eksperto na nasa ikalawang antas ng Void Initiation Stage, siya pa kaya?
Bagaman isa siyang miyembro ng Prince Sheng's Estate at mayroong responsibilidad na protektahan ang Little Prince, natakot siya ng maisip niya ang mga maaaring mangyari.
Natakot siyang sumunod sa mga yapak ng manager.
"Pitong hinga pa ang natitira!" Dahan-dahang nagsalita si Duan Ling Tian, at ang kanyang tinig ay tila naging isang voodoo talisman na nagpaputla sa mukha ni Zhang Heng.
"Ikaw, patayin mo siya, patayin mo sila!" Tumingin nang mabagsik si Zhang Heng sa matandang lalaki na nangangasiwa sa arena, at sumigaw nang madilim ang tinig.
Tumawa nang mapait ang matandang lalaki.
Patayin si Duan Ling Tian?
Nagtataglay ba ako ng lakas?
Noong makita niya ang tingin ni Duan Ling Tian, huminga nang malalim ang matandang lalaki bago gumawa ng desisyon.