Katahimikan.
Nakabibinging katahimikan.
Walang kahit isang tunog ang maririnig sa buong Caged Battle Arena.
Ang tingin ng lahat ay nagtipon sa iisang lugar, sa panuoran sa timog.
Sa lugar na iyon, isang matandang lalaki ang bumagsak sa sanaw ng dugo, at siya ay ganap na walang anumang senyales ng buhay.
"Anong nangyayari?" Maraming mga tao ang hindi nakakita nang malinaw kung ano ang nangyari.
Tanging ilan lamang sa mga nanunuod sa timog na panuoran ang nakakaalam sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
"Squeak squeak~" Isang kulay gintong anyo ang marahang lumapag sa balikat ni Duan Ling Tian.
Ito ay ang little gold mouse!
Sa kasalukuyan, ang little gold mouse ay may hawak-hawak na maliit na spirit sword sa kanyang kamay at mga patak ng dugo ang pumatak mula sa ibabaw, at ito ay nakasisilaw at nagniningning.
Hiss! Hiss! Hiss! Hiss! Hiss!
...