"Pahintulutan niyo ako!" Isang malakas na sigaw ang narinig sa silangang bahagi ng lugar ng panonood.
Pagkaraan, isang matipuno na 'di gaano katandang lalaki ang umalis sa lugar ng panonood at dinala sa loob ng Caged Battle Arena ng mga trabahador ng arena.
"Mukhang matindi talaga ang tukso ng 500,000 na ginto." Nakangiting sinabi ni Duan Ling Tian.
"Hindi lang ang 500,000 na ginto… Para sa isang martial artist, ang laban hanggang kamatayan sa loob ng Caged Battle Arena ay isa ring matinding paraan upang buhayin ang potensyal sa kanilang katawan." Sabi ng Crazy Young Master, at mayroong bahid ng kagustuhang lumaban sa kanyang mga mata.
"Luo Zhan, mukhang naiinip ka na at nais mo nang pumasok sa entablado… Ngunit, ikaw ay nasa ika-apat na antas ng Void Prying Stage ngayon, kaya't wala masyadong kalaban para sa iyo." Nakangiting sinabi ni Chen Shao Shuai.