Matapos ang ilang sandali, nakakita si Duan Ling tian ng isang taong mabilis na lumipad mula sa kanluran.
"Zhao Ming!" Nanlumo ang mukha ni Duan Ling Tian nang makita niya ang taong dumating.
Naintindihan niya na ang lugar na ito ay ang tagpuan ni Zhao Ming at Tang Huo.
Matapos ang maikling sandali, dumating si Zhao Ming sa tabi ni Tang Huo, at ang kanyang mapoot na mga mata ay nakatitig kay Duan Ling Tian nang siya ay magsasalita, "Duan Ling Tian, huwag ka mandaya! Kung hindi ay papaslangin kita sa unang pagkakataong meron ako."
Kumibit ang balikat ni Duan Ling Tian nang marinig niya ang pananakot ni Zhao Ming, at kalmadong nagsalita, "Kung ganoon ay sige, paslangin mo ako, Elder Ming…. Hindi naman natin kailangan na maghanap ng 10,000 Year Stalactite Milk."
"Sa tingin mo ba ay hindi ko kaya?" Sumiklab sa galit si Zhao Ming at pati na rin ang kanyang Origin Energy nang iangat niya ang kanyang kamay.