Kasabay ng malamig at malalim na sigaw, lahat ng taong narito pati si Duan Ling Tian ay tumingin sa direksyon ng taong sumigaw.
Ito ay isang binata na nakasuot ng puting mga damit, at ang kanyang mukah ay para bang iskultura na gawa sa jade at mayroon siyang kumikinang na mga mata at
Ang pinaka nabigyan ng atensyon ay ang nakabalot na ispadang dala niya sa kanyang likuran.
Atsaka, ang mga batang henyo na narito ay walang taglay na Spatial Ring, kaya ang ibang tao ay iniwan ang kanilang mga sandata sa labas.
Habang ang nakaputing binata na ito ay hindi mukhang tao na hindi kayang bumili ng Spatial Ring, kahit paano pa siya tignan.
"Sword Young Master!" Kung kailan nagtataka pa rin si Duan Ling Tian tungkol sa pagkakakilanlan ng taong ito, isang boses ang biglang sumigaw at dahil dito ay para bang nagising sa isang panaginip si Duan Ling Tian.
Sword Young Master?