"Kuya Zhang, masyado kang mabait." Bahagyang ngumiti si Duan Ling Tian, pagkatapos ay nagtanong. "Kuya Zhang, bakit nasa Black Wind City kayo ni hipag? Maliban doon, paano nagkaroon si hipag ng alitan sa isang masamang tao tulad ni Han Jian An?"
"Mag-usap tayo pagkatapos na'ting umalis." Tumingin si Zhang Shou Yong sa tatlong ihi sa lupa at kumunot ang kaniyang mga kilay, pagkatapos ay nawala ang kunot ng kaniyang noo nang tumingin siya kay Duan Ling Tian.
"Sige." Si Duan Ling Tian at ang little gold mouse ay umalis kasama sina Zhang Shou Yong at Wang Qiong, pagkatapos ay sinundan sila upang bumalik sa malaking courtyard na kanilang tinitirahan.
"Presidente." Ang dalawang 'di gaano katandang mga lalaki na nagbabantay sa pasukan ay magalang na yumuko kay Wang Qiong.
Bahagyang tumango si Wang Qiong.
"Presidente?" Umangat ang mga kilay ni Duan Ling Tian at siya ay bahagyang nagulat.