Mayroong madilim na ekspresyon si Zhao Ming habang galit na tinitingnan si Duan Ling Tian, at ang nakatatakot na kagustuhang pumatay sa kanyang mga mata ay mahirap pigilan.
Gayunpaman, hindi siya nangahas na umakto nang padalus-dalos sa sandaling ito.
Dahil sinabi na ng misteryosong eksperto na iyon na nais niyang protektahan ang lahat sa loob ng teritoryo ng Crimson SKy Kingdom...
Sa sandaling ito, kahit gaano niya kagustong patayin si Duan Ling Tian at kung gaano niya kaayaw umalis, wala siyang ibang paraan.
Sa harap ng misteryong eksperto, wala siyang magawa kung hindi ang makumpirmiso!
"Duan Ling Tian, maaari kang magtago na parang isang pagong sa Crimson Sky Kingdom sa buong buhay mo...Kung hindi, ako, si Zhao Ming, hinding hindi ka pakakawalan!" Binigyan ni Zhao Ming si Duan Ling Tian ng kanyang malamig at walang emosyong tingin sa huli, pagkatapos ay binalak umalis.