"Kailan pa ako naging isang dakila?" Pasikretong bumuntong-hininga si Duan Ling Tian nang makita niyang sumang-ayon si Qin Xiang, at kasabay nito, isang maliit na ngiti ng pangungutya sa sarili ang lumitaw sa kanyang mukha.
Sa totoo lang, wala siyang 10% kasiguraduhan na makaattakas siya sa mga mata ng tatlong dalubhasa na nasa ikaanim na antas ng Void Initiation Stage.
Ngunit alam niyang wala siyang pagpipilian.
Dahil pumunta rito ang grupo mi Zhao Ming ngayong araw, dalawa ang kaharap niyang pagpipilian.
Ang isa ay ang mamatay dito.
Dagdag pa rito, ang kanyang mga kamag-anak at mga taong may kaugnayan sa kaniya ay haharapin ang galit ni Zhao Ming.
Sa oras na iyon, hindi lamang siya mamamatay, baka maraming tao pa ang mamamatay para sa kanya.
Ang isang pagpipilian ay ilayo ang grupo ni Zhao Ming at manalo ng kaunting pag-asang mabuhay.