Bumilis ang paghinga ni Duan Ling Tian nang marinig niya ang sinabi ng patriarch na si Duan Ru Huo.
Sa buong mundo, mukhang mayroon lamang iisang tao na maaaring matawag bilang ikatlong kapatid ni Duan Ru Huo...
Duan Ru Feng!
Sa ibang salita, ang pagod niyang tatay.
Hindi na kailangang banggitin pa na isa siyang tao na nilibot na ang mundo at walang pakiramdam para sa kanyang tatay na hindi niya manlang nakilala, kahit na ito pa ang 'Duan Ling Tian' noon, wala siyang alaala sa kanyang ama.
Para kay Duan Ling Tian, ang kanyang ama ay masyadong malayo, para bang imitasyon.
Gayunpaman, isang tao na nawala ng buong 23 taon ay biglang bumalik, at nagdudulot pa rin ito kay Duan Ling Tian ng gulat at kawalang-paniwala.
"Fourth Uncle, tatay ko ba talaga siya?" Tumingin si Duan Ling Tian kay Duan Ru Hong, hindi niya mapigilan ang magtanong.
Siya'y nakaramdam ng pagkabalisa.