Pagkatapos nilang kumain, nagbukas na rin ang pintuan ng Inner City ng Imperial Gate.
Ibinaba ni Duan Ling Tian ang pilak at nagbayad ng kinain. Pagkatapos ay isinama niya si Mo Yu palabas ng kainan at papasok sa Inner City.
Halos magkatulad ang Inner City at Outer City. Walang malaking pagbabago ang lugar kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.
Naglakad si Duan Ling Tian sa pamilyar na daan diretsong papunta sa kanyang patyong bahay. Bigla na lamang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Duan Ling Tian.
Kasalukuyan siyang mas kinakabahan kaysa noong hinarap niyang ang Void Initiation Stage Expert.
Kaba habang papalapit sa kanyang tahanan!
Ito ang kasalukuyang eksaktong nararamdaman ni Duan Ling Tian.
Sa wakas, nakarating n si Duan Ling Tian sa labas ng kanyang patyong bahay.
Siya pa mismo ang bumili ng patyong bahay na ito noon. Malinaw pa sa kanyang isipan ang mga imahe ng nakaraan na pawang kahapon lamang ito nangyari.