"Bata, tara na!" Isang malakas na hangin ang tumama sa kaniya. Ang pakpak ng Grand Roc na parang mga ulap na binabalot ang kalangitan ay pumagaspas pababa upag tangayin ang lahat ng mga miyembro ng Azure Forest Tri- Sect sa paligid ni Duan Ling Tian. Kumalat ang nakasisindak na pwersa, nagsasanhi sa maraming mga tao na agad na matumba.
Sa sumunod na sandali, naramdaman ni Duan Ling Tian ang kanyang katawan na maging magaan dahil siya ay hinila pataas ng Grand Roc.
"Mo Yu!" Kasabay ng pag-angat ng Grand Roc sa kalangitan, nagbato si Duan Ling Tian ng kamay na parang isang kidlat upang hawakan si Mo Yu na nasa malapit, pagkatapos ay hinila siya pataas sa likuran ng Grand Roc kasama siya.