"Hindi iyon dahil rito? Eh, dahil saan?" Si Zhao Lin ay nabigla, at isang masamang kutob ang lumitaw sa kanyang puso.
"Tito! Dapat mo kaming ipaghiganti ni Cousin Brother Ke! Si Duan Ling Tian… Si Duan Ling Tian ay napakalupit, NAPAKALUPIT!!" Samantala, nagising na rin si Zhao Lei mula sa kanyang pagkakagulat, ang kanyang mukha ay maputlang-maputla at kahit ang kanyang tinig ay halatang nanginginig.
"Ano ba talaga ang nangyari?" Ang mga kinikilos nina Zhao Ke at Zhao Lei ay nagsanhi sa masamang kutob sa puso ni Zhao Lin na mas tumindi.
"Tito!" Inangat ni Zhao Lei ang kanyang kamay upang hawakan ang kamay ni Zhao Lin, pagkatapos ay dinala niya ang kamay ni Zhao Lin upang ilagay sa kanyang ibabang mga bahagi.
"Ikaw…" Nakaramdam lamang si Zhao Lin ng kawalan sa kanyang kamay, at ang pinaka-importanteng bahagi ng isang lalaki sa kanyang pamangkin ay naglaho na.
Sa isang iglap, ang mukha ni Zhao Lin ay namutla. "Ikaw… Saan napunta 'yang sa'yo?"