Naramdaman ni Zheng Fan at Zheng Song ang pagiging determinado sa tono ni Duan Ling Tian at hindi na nila ito muling hinikayat.
"Ang lahat ay may sarili nilang hangarin. Dahil ikaw ay nagpasya na, wala na akong iba pang sasabihin… Gayunpaman, ang Zither Young Master ay nasa ika-pitong antas ng Nascent Soul Stage dalawang taon na ang nakalipas. Ngayon at dumaan na ang dalawang taon, kahit na hindi niya pa naabot ang Half-step Void Stage, dahil sa natural niyang talento, ipinapalagay ko na naabot na niya ang ika-siyam na antas ng Nascent Soul Stage."
Tumingin si Zheng Fan kay Duan Ling Tian na may seryosong ekspresyon. "Kaya hindi mo dapat isagawa ang laban ng buhay at kamatayan kasama siya… Hindi na mahalaga kung matalo ka ngayon, maaari mong bawiin ang tagumpay sa hinaharap! Kung hindi, sa sandaling napatay ka, wala nang maiiwan saiyo."