"Bai, huwag kang maging bastos!" Kumunot ang noo habang sumisigaw gamit ang malalim na tinig ang lalaking nasa katamtamang edad na nakabughaw na damit na nakatayo sa tabi ng binata, ang tatong tinawag na City Governor Zhong ni Feng Wu Dao.
Ngunit hindi siya binigyang pansin ng binata, bagkus ay tumingin kay Duan Ling Tian habang nangungutya. "Bata, kung tunay kang lalaki ay huwag kang magtago sa likod ng isang babae! Sa aking opinyon, siguradong gumamit ka ng kalait-lait at nakahihiyang paraan upang matalo si Tian Wu."
"City Governor Feng, pasensiya na. Ang aking anak… Tumingin si City Governor Zhong kay Feng Du Wao at mayroong ekspresyon na humihingi ng tawad.
"Walang problema." Kinaway ni Feng Du Wao ang akniyang kamay at sinabi ng walang emosyon, "Hayaan natin ang mga bata na solusyunan ang sarili nilang problema…. Kung gusto ng isang tao na maging isang magaling na tao, hindi maiiwasan ng taong iyon na makaranas ng paghihirap sa daan patungo sa paglago."