"Halimaw si Duan Ling Tian! Hindi siya tao." Hindi napigilan ni Zhao Yu ang sarili niya na magulat sa hiwaga.
Ang mga nakamit ni Duan Ling Tian ay isang bagay na hindi niya maiwasang ikagulat kahit na nabuhay na siya sa kalahati ng buhay niya.
Noong naalala niya ang away sa pagitan ni Duan Ling Tian at ng kanyang anak na si Zhao Lei noong kakadating palang ni Duan Ling Tian sa Ancient City ng Everlast, hindi niya mapigilang tumawa ng mapait. "Mukha yatang pagdudusahan ni Lei ang pagkatalo niya ng tahimik ngayong oras… hindi pa siya nasasabi, ako rin ay hindi kayang galitin si Duan Ling Tian!"
Hindi mahirap isipin ang halaga ni Duan Ling Tian sa kasalukuyang Seven Star Sword Sect.
"Eh, marami pa rin ang nasa likod…" Sa mga sumunod na sandali, napansin ni Zhao Yu na sa mga sulat na binigay ng kanyang pinsan, Zhao Lin, mayroon talagang malaking mga bahagi ng mga salita matapos ang deskripsyon ng mga natamo ni Duan Ling Tian.
Patuloy siyang nagbasa.