"Matagal na rin pala noong huli tayong nagkita, Mo Yu." Nakangiting tumango si Duan Ling Tian sa tao na dumating sa kanyang harapan.
Ang disipulo ng Seven Star Sword Sect sa kanyang harapan na may kapareho niyang edad ay si Mo Yu na tinulungan siyang pangalagaan ang kanyang mga Ferghana Horse.
Pagkatapos batiin ni Mo Yu si Duan Ling Tian, tumingin siya sa Grand Roc at sa loob ng ilang segundo, hindi niya mapigilan ang matuliro sa kanyang kinatatayuan.
Kailan pa siyia nakakita ng ganoon kalaking lumilipad na hayop?
Naiisip niya na sa sandaling ibuka ng lumilipad na hayop na ito ang kanyang mga pakpak, ito ay maikukumpara sa mga ulap na binabalot ang kalangitan. Ito ay lubos na nakagugulat.
Samantala, si Linghu Jin Hong na nakatayo sa ibabaw ng likuran ni Grand Peng ay interesadong sinuri si Mo Yu at nagtanong. "Duan Ling Tian, siya ba ang kaibigan na gusto mong makita?"