Kahit si Duan Ling Tian mismo ay hindi naisip na ang pagtayo sa nakatagilid na puno at pakiramdaman ang napakalamig na hangin ng taglamig sa araw na iyon ay hahayaan siya na mahiwagang pumasok sa estado ng biglang kaalaman.
Sa isang biglaang kaaslaman, napag-aralan na niya ang Elementary Wind Force!
"P**a!" Tila biglang mayroong naisip si Duan Ling Tian, nanlaki ang kanyang mga mata at ang kanyang mukha ay naging madilim.
Ipo-ipo!
Gumalaw ang katawan ni Duan Ling Tian, tila nagiging isang hangin nang siya ay agad na bumaba sa Megrez Peak na may nagbabagang pagkabahala.
"Gaano katagal kaya ang ginugol ngayon ng biglang kalaman. Kung nalagpasan ko ang araw upang tumungo sa Martial Competition, siguradong hindi ako karapat-dapat sa pag-aalaga na binigay sa akin ng Sect Leader." Pagkatapos umalis niu Duan Ling Tian sa Megrez Peak, agad siyang yumapak sa kadenang tulay at tumungo sa Dubhe Peak.