"Kuya Liu, huwag kang makinig sa Duan Ling Tian na ito, ikaw…" Kasabay ng pamumutla ng mukha ni Fan Jian, bahagya siyang nataranta. Dahil napansin ni Fan Jian na para bang nagpasiya si Liu Shi Ge na makipaglaban si Fan Jian kay Duan Ling Tian sa arena ng buhay at kamatayan.
Alam niya ang kanyang limitasyon.
Malayo pa siya upang mapantayan si Duan Ling Tian!
Kung nais siyang patayin ni Duan Ling Tian, sapat na ang isang sword strike.
Hindi pa natatapos magsalita si Fan Jian nang patigili siya ni Liu Shi Ge. "Fan Jian, huwag ka mag-alala. Kapag kasama mo ako, si Liu Shi Ge, iginagarantiya ko sa iyo na hindi ka mawawalan kahit isang hibla ng buhok!!" Ang sinabi ni Liu Shi Gei ay puno ng kumpiyansa, kumpiyansa ng isang Nascent Soul martial artist.