Huminga nang malalim si Xia Dou, pagkatapos ay tumingin siya kay Zhang Shou Yong at nagtanong. "Ginoo… Sino ka ba talaga?"
Pagkatapos nito, pinigil niya ang takot sa kaniyang puso at marahang sinabi, "Marahil, ang Clan o Sect na iyong pinanggalingan ay mayroong magandang relasyon sa aking Jade Magnolia Trading Company?" Sa paraan ng kaniyang pagsasalita ay mayroong kaunting paghahangad.
"Jade Magnolia Trading Company?" Ang mga sulok ng bibig ni Zhang Shou Yong ay mayroong bakas ng pagkainis at sinabi nang walang bahala, "Patawan, ngunit hindi ko pa ito kailanman narinig."
Hindi pa narinig?
Ang mukha ni Xia Dou ay agad na namula, na para bang ang kaniyang leeg ay sinasakal.
Malamang naisip niya na sinasadyang sabihin ito ni Zhang Shou Yong.
Kahit ang ang Jade Magnolia Trading Company ay hindi maituturing na nangungunang trading company sa Azure Forest Imperial Kingdom, ito ay kilala pa rin sa kalayuan...