Sumingasing nang malamig si Xia Dou nang marinig niya si Duan Ling Tian, pagkatapos ay sinabi nya na may nakalubog na mukha, "Wala akong paki kung bakit mo pinatay ang aking anak… Kung alam ko lang na kahit sino pa iyan, kapag pinatay nila ang aking anak, dapat silang magbayad ng dugo! Kahit na patayin ng anak ng Diyos ang aking anak… Ako, si Xia Dou, ay pagpipira-pirasuhin ito!"
"Kahit na ang anak mo ang mali, kahit na anak mo ang nangunang magpakita ng balak na pumatay… Wala kang paki? Hindi mo ba naiisip na ito ay dahil hindi mo naturuan nang maayos ang anak mo?" Tumingin si Duan Ling Tian kay Xia Dou na may mas malamig na tingin.
"Oo!" Ang mga mata ni Xiao Dou ay kumurap ng malamig na liwanag at pagalit na sinabi "Kahit na gawin pa ng aking anak ang lahat ng klase ng krimen, walang sinuman ang maaari siyang hawakan… Dahil lamang siya ang anak ni Xia Dou, ang anak ng Bise Presidente ng Jade Magnolia Trading Company!"