Eternal Jade Restaurant.
Umupo si Duan Ling Tian at ang iba paikot sa lamesa habang sila'y kumakain ng mabango at maiinit pa na mga pagkain.
"Sobrang sarap! Hindi na ako magtataka kung bakit sinabi ni Big Brother Zhang na kami ay hindi na mag hahanap ng iba pa kundi ito na talaga…. Big Sister Wang Qiong, ang iyong kakayahan sa pagluluto ay sobrang galing." Pag-puri ni Li Fei habang siya'y kumakain.
"Kung nagustuhan mo, kumain ka pa. Kung kulang pa ang pagkain, ako ay gagawa na lang muli." Nginitian ni Wang Qiong si Li Fei, at ang kanyang magagandang mata ay may taglay na pagmamahal na nakaayon sa kapatid na babaeng ito.
Matapos nilang kumain, nagsimula nang maglinis si Wang Qiong ng mga plato at si Zhang Shou ay pumunta sa kusina upang tumulong.
Umupo si Duan Ling Tian at Li Fei sa harap ng lamesa at nagpahinga, sila'y nagpahinga muna bago magpaalam na aalis kay Zhang Shou Yong at Wang Qiong.