Ang Vioent Ape ay natamaan ng kamao ni Duan Ling Tian na mayroon nakasisindak na Quake Energy kanina, at napansin nito na mayroong mali sa unang posibleng sandali. Kaya ang malaki nitong anyo ay desididong umatras.
Ito ay nagsanhi kay Duan Ling Tian na mawalan ng pagpipilian kung 'di ang mapabuntong-hininga nang emosyonal.
Ang Violent Ape na ito talagang kasing talino ng isang tao.
Karapat-dapat na maging isang human shaped fierce beast!
"Aowu!" Ang Violent Ape na ang mga binti ay pinagdikit ni Duan Ling Tian ay umungal sa galit, pagkatapos ay hinila nito pabalik ang kaniyang mga braso na para bang nagiging isang malaking pana bago muling ibato ito kay Duan Ling Tian.
"Huli na!" Isang maliit at malamig na ngiti ang lumitaw sa mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian, at ang Origin Energy ay lubos na dumami sa kaniyang mga kamay.
Quake Energy!