"Ang kasalukuyang ikaw ay tila walang kwalipikasyon para magsalita tungkol sa akin…" Tumingin si Duan Ling Tian kay Hu Xue Feng, at isang maliit na ngisi ang lumitaw sa mga sulok ng kaniyang bibig habang marahang binabanggit ang salitang. "Duwag!"
Duwag!
Muling kinutya ni Duan Ling Tian si Hu Xue Feng bialng duwag sa publiko!
Sa oras na ito, si Test Elder Jiang Huai at walong inner court disciples ay naroroon, at nakatingin sila ngayon kay Hu Xue Feng at may kakaibang ekspresyon.
Labis na hindi kaaya-aya ang ekspresyon ni Hu Xue Feng, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian.
Kasalukuyan niyang napapansin ang mga mapagkutyang mga tingin mula sa paligid, at wala siyang ibang hiling kung hindi ang humukay ng butas at magtago.
Sa mga tingin ng mga taong naroroon, binawi ni Duan Ling Tian ang kaniyang tingin kay Hu Xue Feng, at ibinaling ang kaniyang tingin sa dalawang Violent Ape na nasa malayo at naglalakad na mayroong malalaking hakbang.