"Kailangan mong magmakaawa kay Elder Zhao Ling." Tumingin si Duan Ling Tian sa matipunong binata na may kalmadong mga mata, pagkatapos ay sinabi ito nang walang bahala.
Noong una ay binabalak lamang niyang takutin ang bagong disipulo na ito, ngunit ngayong naki-alam na si Zhao Lin sa bagay ito, nagsanhi ito sa galit na lumitaw sa kaniyang puso.
"Elder Zhao Lin, nagmamaka-awa ako sa'yo, paki-usap, 'wag mong hayaan ang Senior Brother na ito na pakawalan ako!" Dali-daling tumingin ang matipunong binata kay Duan Ling Tian nang marinig niya ito, at bahagyang nababaliw.
Na para bang siya ay nakakapit na lamang sa huling bagay na nakakapagligtas ng buhay.
Naging bahagyang malamig ang tingin ni Zhao Lin nang marinig niya ang matipunong binata, at tumingin kay Duan Ling Tian, pagkatapos ay sumigaw nang malakas. "Duan Ling Tian, ang pagpatay ng isang kapwa disipulo nang walang awa… Ayon sa mga panuntunan ng Seven Star Sword Sect, dapat kang patayin!"