Bakit mayroon siyang ganoong kumpiyansa?
Ngumiti lamang si Duan Ling Tian nang marinig niya si He Dong, ngunit hindi na siya nagdagdag pa ng eksplenasyon.
Naniniwala siyang malalaman din ni He Dong ang sagot.
Isang bakas ng paghanga ang kumislap sa mga magagandang mga mata ni Zuo Qing nang marinig niya si He Dong, seryoso niyang sinuri si Duan Ling Tian. Sa huli, tumango siya at hindi na sinubukang himukin si Duan Ling Tian.
Nagawa niyang mabatid na puno nga ng kumpiyansa si Duan Ling Tian.
Isang malakas na kumpiyansa!
Tahimik niyang naisip.
Marahil ang nobyo ng kaniyang Junior Sister ay muling magdadala ng milagro, at gugulatin ang lahat.
Sa sumunod na sandali, lahat ng mga outer court disciples na lalahok sa ikalawang yugto ng martial competition ng outer court ay nabunot na ang kanilang mga lots.