"P**e!" Nang sumigaw si Shi Hao, bahagya siyang nababalisa.
Bagaman hindi niya kilala si Duan Ling Tian, o nakita man lang si Duan Ling Tian noon, ngunit mayroon siyang impresyon sa lahat ng nasa grupo ng outer court disciples na nasa ikapitong antas ng Origin Core Stage na umakyat ngayon sa combat ring, sigurado siyang wala roon si Duan Ling Tian!
Sa ibang salita, ang kaniyang pangunahing layunin ngayong araw, si Duan Ling Tian ay hindi umakyat.
Maaaring dahil sa takot sa kamatayan, sumuko si Duan Ling Tian.
At ito ay hindi niya nais makita.
Sa malamig na sigaw ni Shi Hao, natahimik ang buong Mizar Peak.
Ang grupo ng mga disipulo ng Megrez Peak na nagpunta upang manood ay hindo mapigilang ibato ang kanilang mga tingin sa malayong Duan Ling Tian.
Sa sumunod na sandai, ang natitirang mga disipulo ng Seven Star Sword Sect ay sinundan ang mga disipulo ng Megrez Peak upang tingnan si Duan Ling Tian.
Kumunot ang noo ni Duan Ling Tian.