"Bilang miyembro ng ating maliit na grupo, kung gusto mong hatiin nang pantay ang lahat ng makukuha sa aminβ¦. Hindi ka maaaring umumpo na lamang at maging masaya sa bunga ng gawa ng iba, tama?" Ngayon, ibinalik ni Duan Ling Tian kay Shao Fei ang sinabi nito sa kaniya kanina.
Labis na nagalit si Shao Fei hanggang sa puntong nandilim ang kaniyang mukha, ngunit hindi niya magawang gumanti.
Ang mga salitang ito ay ang sinabi niya kanina kay Duan Ling Tian.
Sa isang sandali, naramdaman niyang nasaktan lamang niya ang kaniyang sarili dahil sa kaniya ring kagagawan.
Samntala, napagtanto niyang mayroong problema. Kung una siyang aatake sa Savage Leopard, ang grupo ni Duan Ling Tian ay siguradong hindi gagawa ng kilos...
Huminga siya nang malalim,pagkatapos ay pilit niyang pinigilan ang takot sa kaniyang puso.