Sa huli ay kumalma ang pakiramdam ni Duan Ling Tian.
"Oras na para subukan ang Quake Energy na ito!" Nagliwanag ang tingin ni Duan Ling Tian nang tumayo siya.
Pagkatapos ay tiningnan niya ang dalawang maliliit na python, at nang mapansin niya na wala silang pinapakitang senyales ng paggising, umiling siya pagkatapos ay nilisan ang kweba ng mga stalactite.
Gamit lamang ang kaniyang Spiritual Force, tumayo si Duan Linh Tian sa nakahilig na puno sa gilid ng bangin at pinakiramdaman ang pangyayari sa tuktok ng bundok.
Matapos niyang makumpirma na walang tao, ginamit ni Duan Ling Tian ang nakahilig na puno bilang isang tuntungan at tumalon patungo sa tuktok ng Megrez Peak.
Naglakad si Duan Ling Tian sa pinakaliblib na daan sa tuktok, pagkatapos ay bumaba siya ng bundok.
Sa sumunod na sandali, dumaan siya sa magkadugtong na tulay at nakarating sa pangunahing tuktok, ang Dubhe Peak.