"Ke Er, hindi na kailangang magpaliwang ka sa kanila, sila lamang ay bunton ng mga balimbing." Inunat ni Li Fei ang kaniyang kamay na kasing puti ng jade at magaang tinapik ang likod ng kamay ni Ke Er.
Ang sinabi ni Li Fei ay nagdulot ng kaguluhan ng publiko.
"Batang babae, mag-ingat ka sa sinasabi mo!"
"Tama, anong basehan mo upang tawagin kaming balimbing? Ang ibig sabihin mo ba ay ang inner court disciple ng Seven Star Sword Sect ay inaasukhan kayo ng hindi tama?"
"Kailangan ba ng isang inner court disciple ng Seven Star Sword Sect na akusahan kayo ng hindi tama?"
...
Ang bunton ng mga mamimoli ay tumingin lahat nang masama kay Li Fei.
Kailan nakaranas si Li Fei ng ganoong eksena? Sa isang sandali, labis siyang nagalit hanggang sa puntong namula ang kaniyang mukha, iniyukom niya ang kaniyang kamao nang mahigpit, at bahagyang nanginig ang kaniyang maselang katawan.