Matapos sabihing muli ni Duan Ling Tian ang kaniyang presyo.
Katahimikan.
Ang malaking silid ay lubos na tahimik.
Walang sinuman ang nag-akala na hindi lamang susundan ng bisita sa unang silid ang presyo, ang bisita ay muli ring nagdagdag ng 10,000 gold.
"Hmph!" Ang malalim na tinig ay muling maririnig mula sa ikapitong silid, at ito ay mayroong kalahalong pagkagalit. "3,800,000 gold!"
"3,810,000 gold." Mabagal na sabi ni Duan Ling Tian.
Sa oras na ito, ang mga tao sa malaking silid ay hindi makapagsalita.
Gayunpaman, ang ikapitong silid ay natahimik ang hindi nagpatuloy na magpresyo. Halata naman na 3,800,000 gold ang presyo na itinakda ng tao na nasa ikapitong silid sa kaniyang puso.