"Sandali na lang dapat ito." Tumaas ang mga kilay ni Duan Ling Tian, tila ba mayroong napansin siyang isang bagay.
Samantala, sa bintana ng kwarto, malinaw na makikita ang mga taong naglalakad sa bulwagan ng malalaking hakbang at humahanap ng upuan.
Sa pagdaan ng oras…. Mas maraming tao ang dumarating.
Hindi nagtagal, napuno ang bulwagan ng siksik na bunton ng mga tao.
"Ang mga upuan sa bulwagan ay 1,000 kada isa….. Sa entrance fees pa lamang, ang Ma Clan Auction House na ito ay magagawang tumanggap ng pera hanggang sa lumambot ang kanilang mga kamay." Hindi mapigilang mamangha ni Duan Ling Tian.
Kapag maraming tao sa iisang lugar, natural lamang na maging napakaingay nito.
Sa sumunod na sandali, napansin ni Duan Ling Tian ang isang matandang lalaking dahan-dahang naglalakad paakyat ng auction platform… At alam niyang magsisimula na ang pagsusubasta.