Naging payapang muli ang Imperial Family pagkatapos ng kamatayan ni Mortal Emperor Chu.
Para naman sa natitirang mga bagay, walang kinalaman ang mga ito kay Duan Ling Tian.
Ang insidente ngayon ay masyadong nakagugulat, kaya tinakpan ng Emperor ang daloy ng impormasyon at hindi hinayaang kumalat ang balita.
Ang Imperial City ay mapayapa tulad ng nakasanayan...
Simala nang umalis mula sa Imperial Palace noong araw na iyon, ibinalik ni Duan Ling Tian ang lahat ng labing-dalawang mga Embroidered Uniform Guard, kasama sina Zhang Qian at Zhao Gang, sa lugar ng Divine Might Marquis.
Napakatagal nang sinusundan nina Zhng Qian at Zhao Gang si Duan Ling Tian, at naituro na sa kanila ni Duan Ling Tian ang lahat ng maaari niyang ituro sa mga ito, kaya maituturing na natupad na niya ang pangakong ibinigay niya sa Divine Might Marquis noong araw na iyon.
Pagkatapos ng kalahating buwan, ipinatawag muli ng Emperor si Duan Ling Tian.