"G**o, 'wag kang magsabi ng walang kuwentang mga bagay! Kahit ang isang grade six alchemist ay walang magawa laban sa lason Dark Nether Mink. Sinong niloloko mo?" Ang malamig na mga mata ni Xue Yun ay sumulyap kay Duan Ling Tian nang mangutya siya.
Sa kaniyang paningin, si Duan Ling Tian ay isang ignorteng bata lamang!
Hindi na nag-abala pa si Duan Ling Tian na sayangin ang kaniyang oras kay Xue Yun at sinabi nang walang bahala, "Old Hong, Old Qing… siguro naaalala niyo pa rin ang sinabi sa inyong dalawa ng Senior Marquis bago kayo umalis sa lugar ng Divine Might Marquis kasama ako, 'di ba? Wala akong paki kung siya ay isang Specter Guard, gusto ko na siyang mamatay, ngayon mismo."
Nagsalita si Duan Ling Tian sa isang walang bahalang paraan, ngunit kahalo ng kaniyang tinig, isang matinding kagustuhang pumatay ang makikita.