"Opo." Mabilis na yumuko ang Third at Fifth Prince at sumagot.
Sa sandaling iniyuko nila ang kanilang mga ulo, kumislap ng mayroong masinsing kagustuhang pumatay ang kanilang mga mata.
Ang kagustuhang pumatay na ito ay patungo kay Duan Ling Tian.
Tumingin ang Third Prince sa Emperor at magalang na sinabi, "Imperial Father, kung gayon ay aalis na ako."
"Aalis na rin ako." Umalis na rin ang Fifth Prince.
Bumagsak ang tingin ng Emperor kay Duan Ling Tian ng ilang sandali, pagkatapos ay bumagsak ito kay Prinsesa Bi Yao ng ilang sandali, pabaling-baling siya sa dalawa...
Maayos pa rin si Duan Ling Tian at nagawang tumayo roon nang matatag at may matiwasay na ekspresyon; gayunpaman, namumula ang mukha ni Prinsesa Bi Yao dahil sa kahihiyan. "Imperial Father, ano ang tinitingnan niyo?"
"Hahahaha…" Taos-pusong tumawa ang Emperor ng ilang sandali bago tumigil. "Magkakilala kayong dalawa?"
Nahihiyang timango si Prinsesa Bi Yao.