Nang mag-isip siya hanggang sa puntong ito, sumiklab ang saloobin ni Duan Ling Tian.
Gayunpaman, hindi siya nagmadali upang gumawa ng isang Dragon Blood Pill, dahil ang pansamantalang tent na kaniyang kinalalagyan ay walang masyadong espasyo.
Hindi naman siya pwedeng lumabas ng tent at doon gumawa, 'di ba?
Matapos umiling, kumalma si Duan Ling Tian bago matulog nang mahimbing.
Ang kalangitan ay magliliwanag na matapos ang ilan pang oras, at sa oras na iyon, ang malaking army na may 100,000 katao ay direktang susugod sa Southern Barbaric City. Bilang strategist ng laban na ito, kinakailangan magpahinga ni Duan Ling Tian at mag-ipon ng enerhiya.
Hindi pa man ganap na nagliliwanag ang kalangitan nang lumabas ang malaking army na may 100,000 katao sa isang kakila-kilabot na kaayusan.
Sina Duan Ling Tian, Nie Fen, at He Wei An ay nangabayo sa pinakaunahan, at 'di nagtagal, dumating sila sa tabi ng moat sa labas ng Southern Barbaric City.