"Demon Beast? Half-Step Void Stage?" Nanlaki ang mga mata nina Zhang Qian at Zhao Gang nang marinig nila ang sinabi ni Duan Ling Tian, at ang kanilang mga mata ay napuno ng pagkabigla.
Ang isang demon beast ay walang dudang maikukupara sa isang powerhouse sa True Void Stage.
Pati rin ang Demon Beast Monkey King, kahit na ito ay isang Monkey King sa Half-Step Void Stage, ito ay hindi pa rin isang buhay na maaari nilang labanan.
"Young Master, eh 'di kami ayโฆ" Tumingin sina Zhang Qian at Zhao Gang kay Duan Ling Tian at bahagyang nag-aatubili.
Kahit na masarap ang Monkey Wine, ito ay hindi kasing importante ng kanilang mga buhay.
"Kikilos tayo ayon sa ating kalagayan." Sinama ni Duan Ling Tian sina Zhang Qian at Zhao Gang nang maingat siyang gumalaw na walang tunog sa ibabaw ng mga puno, at ang lahat sa loob ng bangin ay pumasok sa kaniyang mga mata.
Nakikita niya na nakatayo ang mga Stone Monkey sa grupo ng tatlo o apat.